HINDI maitatanggi na may hawig kay Ma­rian Rivera ang bagong contract star ng Regal Entertainment na si Carla Abellana, anak ni Rey ‘PJ’ Abellana, at apo ng beteranang aktres na si Delia Razon.


Hindi raw problema kay Carla kung ihambing siya kay Marian, lalo na at magkahawig sila.


“That’s good. Okey lang. She’s somebody I respect. She’s a very good actress. She’s very beautiful!” sabi ni Carla.


Bongga si Carla, dahil tulad ni Marian (na nagtapos ng kolehiyo sa La Salle Dasmariñas), nakapagtapos din siya ng kursong Psychology sa La Salle (Taft Avenue).


Pero, ang pagkakaiba nga lang daw, cum laude siya nu’ng nagtapos siya ng kolehiyo.


Anyway, tulad ni Marian, beterana na rin si Carla sa paggawa ng commercials. Sa tantiya ni Carla, mahigit sa 10 na ang commercials na nagawa niya.


Ikinuwento rin ni Carla na masaya ang Lola Delia niya na pinasok na rin niya ang showbiz.


“She’s happy! When she found out, ang laki ng smile niya,” say pa ni Carla.


Sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes ang mga type makapareha ni Carla sa mga gagawin niyang project.


Anyway, naging tea­cher din ng mga bata si Carla, kaya alam niya ang kiliti ng mga bata. At giit ni Carla, galing daw siya sa konserbatibong pamilya, kaya hin­ding-hindi raw siya magpapakita ng alindog sa harap ng kamera.


Pero, kung ganda at husay magsalita ang pagbabasehan, tila palaban nga si Carla kay Marian.


Siyanga pala, ang da­ting player ng Ateneo, at player na ngayon ng Ba­rangay Ginebra na si JC Intal ang madalas na nakaka-date ni Carla ngayon.



1 comments:

aby said...

hello!i'm fhoebe you`re biggest fan.how are you?ate carla ang ganda ng mga picture mo.ito ang comment ko para sayo.sana mabasa mo ang aking comment ko para sayo.

Post a Comment